Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Peterson

Landas ng Pagdurusa

Tuwing Mahal na Araw ay ginugunita natin ang sakripisyo ni Jesus sa krus. Ang daan na tinahak ni Jesus patungo sa krus ng kalbaryo ay tinatawag ngayon na Via Dolorosa o landas ng pagdurusa.

Pero ang may-akda ng aklat ng Hebreo ay nagsasabi na ang daan na tinahak ni Jesus ay higit pa sa daan ng pagdurusa. Ang pagdurusang tinahak ni…

Mga Alaala

May mga inilagay ako sa Facebook noong mga nagdaang taon na ipinapakitang muli. Mga larawan ito noong kasal ng kapatid ko o video ng aking anak habang kalaro ang lola niya. Napapangiti ako sa mga magagandang alaalang ito na muling ipinaalala ng Facebook. Pero hindi lang masasayang bagay ang naipapaalala ng Facebook.

Nakita ko kasing muli ang larawan ng aking ina…

May Pag-asa

Nakaimbento si Reginald Fessenden ng isang uri ng komu-nikasyon na hindi na kinakailangan ng mga kable. Noong una, hindi naniniwala ang ibang siyentipiko na mag-tatagumpay siya dahil kakaiba at hindi pangkaraniwan ang mga ideya niya. Pero ayon kay Reginald, siya ang kauna-unahang nakapagpatugtog ng musika sa radyo. Nagawa niya iyon noong ika-24 ng Disyembre 1906.

Nagpakabit ang isang kumpanyang nagbebenta…

Hindi Ka Nag-Iisa

Sumali ang asawa ko sa paligsahan ng pagtakbo. Iyon ang unang pagkakataon niyang sumali. Nang malapit na niyang marating ang hangganan, nanghina siya. Uminom siya ng tubig at umupo muna sa damuhan para magpahinga. Ilang sandali lang ay hindi na siya makatayo. Susuko na sana siya sa pagtakbo nang may dumaang dalawang guro na kasali rin sa paligsahan. Hindi sila kilala…

Mapayapang Tahanan

Nasa 64 milyon na ang bilang ng mga refugee sa buong mundo ngayon. Sila ang mga napilitang iwan ang kanilang mga bansa dahil sa matinding pag-uusig. Hinikayat ng isang organisasyon ang mga lider ng iba’t ibang bansa na patuloy na tumanggap ng mga refugees. Sa gayon, magkakaroon ng magandang edukasyon ang bawat bata, mabibigyan ng maayos na trabaho ang mga nakatatanda…

Bihag

Maraming obra ang hindi natapos ng sikat na iskultor at pintor na si Michaelangelo nang siya ay mamatay. Pero mayroon siyang apat na obra na inukit sa marmol na sinadya niya talagang hindi tapusin. Ito ay ang ‘Bearded Slave,’ ‘Atlas Slave,’ ‘Awakening Slave’ at ang ‘Young Slave.’ Nais ipakita ni Michaelangelo sa pamamagitan ng kanyang mga inukit kung ano ang pakiramdam ng maging habang buhay…

Umawit ng Papuri

Sa tuwing umaawit daw tayo, may pagbabagong nangyayari sa ating utak. Ayon sa mga dalubhasa, nakakatulong daw iyon para mawala ang ating pag-aalala at pagkabalisa.

Hinihikayat naman ni apostol Pablo ang mga nagtitiwala kay Jesus na laging umawit ng mga salmo, himno at awiting espirituwal (EFESO 5:19). Inulit din sa Biblia ng 50 beses ang panghihikayat na umawit ng papuri sa…